ARAT NA! sa PANARAGA❤

Nakasanayan na nating mga Pilipino na tuwing bakasyon ay kadalasang ginagawa natin ang mamasyal o magbakasyon sa mga “Resort” o “Beach“. Kasama ang pamilya at kaibigan natin upang magkaroon ng oras na magkasama at magsaya kaya’t napag-isipan namin magkakaibigan na magpunta sa sinasabing Little Boracay nang Caraga region, ang Panaraga Beach Resort.

Ang Panaraga ay isa sa pinakamagandang paraiso na matatagpuan sa Gamut, Barobo, Province of Surigao del Sur.

Hanap mo ba’y mala-Boracay na view at mala-paraisong tanawin? Arat Na!! halina’t sulyapan ang aming paglalakbay sa Panaraga.

Madaling araw ay gising na at handa na kaming lahat papuntang Panaraga. Mga outfits ay nakaimpake na at mga cellphone at camera ay nakafully-charge na pati mga pagkain at kagamitan ay naka-ready na. Ang sinakyan namin ay isang puting van at sa dalawang oras na byahe ay nagkatuwaan at nagkasiyahan kaming lahat.

Pagdating namin sa Panaraga ay talagang napapa-whoahh kami sapagkat bumungad sa amin ang mala-gintong tanawin at malamig na hangin.

Kami’y napangiti at napakasaya habang tinatanaw ang kagandahan ng karagatan at hindi namin napigilan na mapatampisaw sa tubig habang kinukuhanan ng litrato ang mga sarali. Pak! Pak! picture dito! picture doon! talagang Instagramable!!❤

Sa aming pananghalian, nag- Boodle Fight kami, ang kariniwang ginawaga namin kapag kami’y nagkakasama at ang nakasanayan nating mga Pilipino.

Napakasaya naming lahat sapagkat nagkakasama kaming magkakaibigan. Pinaglalaruan namin ang alon na talagang malakas at ang lalaki kaya’t pwedeng -pwede mag surfing dito kung gusto mo.

Ang sarap liguan dito sa Panaraga kahit malalakas ang alon dito kakaiba parin siya at maganda kaysa ibang dagat na napuntahan ko na. Sa maputing buhangin dito ay masasayahan ka dahil kakaiba at ang sarap sa kutis at katawan kung ilalagay mo.

Sa pagsapit ng gabi, nagkaroon kami ng bonfire at nagkakatahan , nagchichikahan at nagkakatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Isang masarap at maligayang gabi para sa amin sapagkat pinag-uusapan namin ang mga nakaraan at mga walang kwentang istorya. Hating gabi nadin natapos at napagplanohan na magpahinga na kaming lahat.

Kinabukasan, bago kami umuwi ng Bayugan City ay pinuntahan namin ang isang lugar na di kalayuan sa Panaraga Beach napaka-ganda ng view. Ito ang nagpakumpleto sa aming paglalakbay na magkakaibigan na hindi inaakalang matutuloy ang mga plano namin.

Sulit ang naging bakasyon namin, madami akong natuklasan at natutunan. Worth it ang gastos at pagod. Talagang babalikan ko ang Panaraga dahil napakasaya at di malilimutan ang karanasan ko dito.Sa aming paglalakbay, ako ay nakapagbulay-bulay. Namangha ako sa aking napuntahan sa sobrang ganda ng kalikasan na nilikha ng Panginoon simula sa lupa, dagat at pati na sa mga hayop.Naisipan ko rin na dapat itong panatilihin para na rin sa turismo ng ating bansa at panatilihin upang mayroong mabalikbalikan. Ang tanging natutunan ko dito ang kahalagahan din ng kaibigan nakung saan ang karamay sa tawanan, iyakan at kakulitan na dapat i-cherish natin ang lahat ng moments. Balang araw,pumunta naman tayo sa mga lugar na hindi pa natin napuntahan upang maibahagi naman ang kagandahan nito.

One thought on “ARAT NA! sa PANARAGA❤

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started